33.8 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Iriga: DOH, NNC, KOICA, UNICEF Nutrition Drive sa New Normal

- Advertisement -

Habang ipinagdiriwang ng bansa ang 48th Nutrition Month ay naging katuwang ng Department of Health (DOH), National Nutrition Council (NNC) ang Embassy of the Republic of Korea sa Pilipinas sa pamamagitan ng Korea International Cooperation Agency (KOICA) at UNICEF Philippines para palakasin ang mga interbensyon sa nutrisyon sa ilalim ng “new normal” na sitwasyon.

Ito’y bilang sagot sa tema ng Buwan ng Nutrisyon ngayong taon na “Bagong normal na nutrisyon, sama-samang gawan ng solusyon,” kung saan binibigyang diin ang kahalagahan ng aktibong pakikilahok ng mga pangunahing stakeholder mula sa gobyerno, pribadong sektor, at komunidad upang palakihin ang mga interbensyon sa nutrisyon nang matiyak na nabibigyan prayoridad ang pagtugon sa malnutrisyon lalo na sa kabataan.

Sa datos ng National Nutrition Surveys mula noong 2003, bumababa ang proporsyon ng mga sanggol at maliliit na bata na tumatanggap ng sari-saring pagkain sa bansa, bagay na pinangangambahan na lumala sa panahon ng pandemya. Ang mga substandard diet ay palagi umanong isang pangunahing kontribyutor sa kaso ng malnutrisyon.

Ayon sa 2018 Expanded National Nutrition Survey (ENNS), 30.3 porsyento (mga 3.9 milyon) ng mga batang wala pang 5 taong gulang sa Pilipinas ay bansot o masyadong maliit para sa kanilang edad. Tumataas din ang bilang ng mga sobra sa timbang at napakataba na mga bata sa 10.4% at 11.6% ayon sa pagkakabanggit. Ang sobrang timbang at labis na katabaan ay isang pampublikong alalahanin sa kalusugan dahil mayroon silang potensyal na pabayaan ang marami sa mga benepisyong pangkalusugan na nag-aambag sa pagtaas ng “life expectancy”.

Ang Gobyerno ng Korea, sa pamamagitan ng KOICA, ay naging isang supportive donor at partner sa pagpapatupad ng Philippine Plan of Action for Nutrition. Sa pamamagitan ng partnership sa pagitan ng KOICA at UNICEF, nakamit raw ang mga milestone partikular sa mga larangan ng pamamahala at patakaran, kalusugan, at pagbibigay ng serbisyo sa nutrisyon, at komunikasyon sa pagbabago ng lipunan at pag-uugali sa gitna ng pandemya ng COVID-19.

Source: Bicol PH

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -