Iriga: DOH-CHD nagtala ng mahigit 50 na kaso ng FWRI ngayong Bagong Taon

    0
    10
    photo courtesy of Albay PIO

    Legazpi City – Nagtala ang Department of Health Bicol Center for Health Development (DOH-CHD) ng aabot sa 50 na bagong kaso ng Fireworks-related Injury (FWRI) nito lamang na ikalawang araw ng bagong taon.

    Ayon sa Fireworks-related Injury (FWRI) Surveillance, Bulletin No. 2024-012 ng Bicol Region umabot na sa 50 ang kaso simula pa noong ika-21 ng Disyembre 2024 hanggang sa unang araw ng 2025, na kung saan mayroon din itong naitalang 14 na bagong kaso.

    Base sa distribusyon ng mga kaso mula sa mga lalawigan at lungsod, mayroong 12 na kaso sa Albay, 10 sa Camarines Norte, 16 sa Camarines Sur, 5 sa Naga City, at 7 naman sa Legazpi City habang wala pang naitatalang anumang kaso sa Catanduanes, Masbate, at Sorsogon.

    Pinangungunahan naman ng kwitis ang sanhi ng 14 kaso ng paputok, 13 sa five star, 11 sa Improvised canon, 4 sa Whistle Bomb, 3 sa Lucis, 1 sa Bawang, at 4 na iba pang klase ng paputok.

    Patuloy naman ang pagpaalala ng ahensiya na ligtas na linisin ang mga paligid, iwasang mamulot ng anumang uri ng paputok na nakakalat sa mga lansangan at panatilihin ang pagbabantay sa mga bata, at kung nasugatan naman, ay bisitahin agad ang pinakamalapit na pagamutan upang mabigyan ng naaangkop na pangangalaga at paggamot.

    (Source: Albay PIO)

    Leave a Reply