Sunday, April 28, 2024

Iriga: DOH Bicol, may paalala sa mga magpepenitensya ngayong Semana Santa

- Advertisement -

Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) Bicol ang mga magsasagawa ng penitensya ngayong Semana Santa na siguraduhing nakapagpabakuna ng anti-tetanus o kaya naman ay nakapagkonsulta sa doctor bago isagawa ang aktibidad.

Ang paalala ng ahensya ay upang maiwasan ang anumang sakit na pwedeng makuha mula sa inihahampas sa katawan.

Kaugnay nito, nagpaalala ang Department of Health – Bicol (DOH Bicol) sa publiko tungkol sa mga kinakailangang gawin bilang pagiingat sa kanilang kalusugan.

Ayon sa ahensya, ugaliing uminom ng tubig upang manatiling hydrated. Gayundin upang maiwasan ang sakit na may kinalaman at idinudulot ng mainit na panahon.

Inabisuhan din ng DOH Bicol ang mga taong may high-blood pressure na ugaliin ang pagbaon ng inuming tubig at limitahan ang paglabas o pagbibilad sa araw. Kung maaari ay manatili na lamang sa mga tahanan lalo na sa mga may edad, ayon pa sa ahensya.

Pinag-iingat rin ang mga nagmamaneho na siguraduhing laging may dalang mga gamot at kinakailangang first aid kit upang laging handa sa anumang insidente. (Emman Lumapag)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -