Iriga: Division Library Hub ng SDO Iriga bukas na

0
45

Pormal nang binuksan nitong Marso 1, 2024 ang bagong Division Library Hub ng DepEd Iriga City.

Ang nasabing hub ay matatagpuan sa Schools Division Office sa Barangay San Nicolas, Iriga City kung saan mayroon itong iba’t-ibang educational materials na pwedeng magamit ng mga mag-aaral at guro.

Pinangunahan ang pagbubukas ng nasabing library nina Iriga City Schools Division Superintendent Dr. Mariano De Guzman, Assistant Schools Division Superintendent Maylani Galicia, Division Chief Education Supervisor of Curriculum Implementation Division Dr. Jerson Toralde, Chief Education Supervisor of School Governance and Operations Division Dr. Noel Cabaltera, at mga Education Program Supervisors (EPS) at Specialists ng lungsod.

Sa panayam ng RPN-DZKI Iriga kay EPS for Learning Resource Management Section Dr. Belen Pili, sinabi nito na bukod sa mga aklat, may libreng wifi rin ang nasabing library para sa mga gustong magsagawa ng pananaliksik gamit ang internet.

Dagdag pa ni Pili, bukas din ang division library hub sa mga mag-aaral na mula sa mga katabing bayan ng lungsod.

“Hindi lang mga taga-Iriga ang pwedeng pumunta dito kundi pati na rin mga estudyante nag nag-aaral sa labas ng lungsod. Pati mga parents pwede silang pumunta sa kanilang free time para malibang sa pagbabasa. Libre po ito”, ani Pili.

Kaugnay nito, bukas din umano sila sa mga gustong mag-donate ng aklat sa nasabing library.

Katuwang ng SDO Iriga ang Local Government Unit ng nasabing lungsod na s’yang nagpaayos ng gusali para muling magamit.

Bukas ang nasabing division library simula 8:00 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, Lunes hanggang Byernes.

(Emman Lumapag)

Leave a Reply