Iriga: DEPED at LGU Aroroy, pinalakas ang supporta sa mga mag aaral sa ilalim ng Aral Program

0
5

Ipinatupad ng Department of Education, katuwang ang lokal na pamahalaan ng Aroroy, ang Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program sa Aroroy West at East Districts upang matulungan ang mga mag-aaral na nangangailangan ng karagdagang suporta sa kanilang pag-aaral noong ika-17 ng Agosto sa Aroroy, Masbate.

Bilang pagkilala sa naging ambag ng mga ARAL teachers sa pagpapatupad ng programa, nagkaloob ang lokal na pamahalaan ng Aroroy ng cash incentives sa mga guro at Smart TV na magsisilbing karagdagang learning tools sa mga paaralan.

Sa pamamagitan ng mga kagamitang ito, inaasahang mas mapalalawak ang mga paraan ng pagtuturo at masusuportahan ang mga guro sa pagbibigay ng karagdagang learning activities para sa mga mag-aaral.

Kasabay ng aktibidad, inilunsad din ng lokal na pamahalaan ng Aroroy ang Segregation to Nutrition Program, na nagtuturo sa mga mag-aaral ng wastong paghihiwalay ng basura at paggamit ng biodegradable waste para sa Gulayan sa Paaralan.

Layunin ng mga inisyatiba na matulungan ang mga mag-aaral na makahabol sa kanilang pag-aaral, habang isinusulong din ang wastong pangangalaga sa kapaligiran at pagkakaroon ng masustansiyang pagkain sa mga paaralan.

Bahagi ang mga inisyatiba ng E-Education program sa ilalim ng ITHELPS priority agenda ng lokal na pamahalaan ng Aroroy na naglalayong suportahan ang pagkatuto, kalusugan, at pangkalahatang kapakanan ng mga mag-aaral.

Source: PIA Masbate

Leave a Reply