Friday, May 10, 2024

Iriga: Dating DPWH 5th Engineering District Engr. Gemma Catrimbang pinalitan ni Engr. Leopoldo Barela Jr.

- Advertisement -

Bago na ang nakaupong District Engineer ngayon sa DPWH 5th engineering district sa Rinconada area, eto’y matapos magpalabas ng DPWH central office ng memo order sa pamamagitan ni Secretary Manuel Bonoan, na kung saan pinapaupo na bilang bagong district engineer si Barela Jr.

Visit RPN DZKI Iriga

Samantalang ang pinalitan nito na si dating district Engr. Gemma Catimbang ay floating ngayon sa DPWH regional office, samantalng pinalitan na rin ang nakaupong assistant district engineer na si Engr. Joy Agnes Nachor at ito ay ibinalik sa dating posisyon na construction chief na kung saan ang ipiunalit sa kanya ay si Engr. Salas na galing pa ng Cebu.

Nauna na rito sinabe ni PIO Engr. Aris Hermoso tagapagsalita ng nasabing agencia na normal naman ang ganitong regodon o reshuffle kapag nagkakaroon ng bagong mapiling congressman sa bawat distrito at ang nanalo ngang bagong representative sa Rinconada area ay si Congressman Migz Villafuerte nang hindi na tumakbong congresswoman si Josal Fortuno dahin sa dahilan ng health at matanda na ang nasabing congresswoman.

Maalala na si dating District Engr, Gemma Catimbang ay matagal na nanilbihan sa distrito ni Congressman Fuentebella ng 4th district na kalaban sa politica ng mga Vilafuerte. (Joey H. Lim)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -