Iriga: Dahilan sa hesitancy sa pagpapabakuna, inilatag ng DOH Bicol

0
92

Iriga City – Inilatag ng Department of Health (DOH) Bicol ang kanilang mga nakikitang dahilan kung bakit patuloy ang pag-aalangan ng mga tao sa pagpapabakuna.

Ipinahayag ni Dr. Monrey Isaiah Mancilla, COVID-19 Vaccination Program Coordinator ng DOH Bicol, na hindi na nakikita ng mga tao ang kahalagahan ng COVID-19 vaccines.

Saad niya, nakikita nilang bumababa na ang bilang ng mga kaso at bed utilization kaya para sa kanila ay hindi na kailangan ang mga bakuna sa naturang sakit.

Aniya, dahil dito, ang mga tao ay nagsisilabasan nang walang suot na face mask, at hindi na pina-practice ang social distancing.

Umaasa si Mancilla na maisip ng mga tao na marami ang nagpabakuna kung kaya’t bumaba ang bilang ng mga kaso at bed utilization sa rehiyon.

Ngunit nilinaw niyang hindi pa naaabot ang lebel ng proteksiyon o coverage upang maging kampante at marami pang mga Pilipino ang maaaring magkasakit sakaling magkaroon ng bagong surge at variant.

Panawagan pa rin ng ahensiya na magpa-booster at ituloy-tuloy ang pagpapabakuna.

Source: DOH Bicol

Leave a Reply