Iriga: Code White Alert, ipinatupad na ng Albay Health Office kasunod ng mga pag-ulang dala ng shearline

    0
    12
    photo courtesy of Albay PIA

    Legazpi City – Ipinatupad na ng Albay Provincial Health Office (APHO) ang code white alert status kasunod ng mga nararanasang mga pag-ulan dala ng shearline.

    Ang naturang kautusan ay bilang pagtalima na rin sa ipinalabas na Department of Health (DOH) Regional Memorandum 2025-0002 na may titulong, “Declaration of Code White Alert in relation to the effects of Shearline, and in anticipation of any eventualities”.

    Nakapaloob sa Disaster Risk Reduction and Management in Health (DRRM-H) Memorandum Order No. 2025-001 na inaatasan ang mga Rural Health Units (RHUs), City Health Offices (CHOs), at Albay Provincial Health and Emergency Management Staff (HEMS) na i-activate ang kani-kanilang Preparedness, Response, Surge Capacity, at Contingency Plans.

    Nakapalaman rin sa naturang kautusan ang palagiang pag-monitor ng mga sintomas ng lagnat at iba pang respiratory illness para matiyak ang kalusugan ng mga lumikas na mga residente.

    Ipinag-utos rin ang pagtatalaga ng isolation room para sa mga lumikas na residenteng makakaramdam ng sintomas ng respiratory illnesses

    (Source: Albay PIA)

    Leave a Reply