Iriga: CHED V, ipinagbawal na ang paggamit ng single-use plastics sa loob ng kanilang opisina

0
6

Ipinatupad na ng Commission on Higher Education Regional Office V (CHEDRO Bicol) simula Enero 19, ang pagbabawal ng paggamit ng single-use plastics sa loob ng kanilang opisina.

Ito ay sa ilalim ng kanilang ZERO Policy (Zero Environmental Residuals Office).

Kabilang sa mga ipinagbabawal ang mga plastic bags, straws, disposable cups, at plastic utensils.

Isinusulong nito ang paggamit ng mga reusable at eco-friendly na alternatibo sa kanilang mga aktibidad.

Mahalaga ang pagpapatupad nito upang mabawasan ang tone-toneladang plastic waste na nakasisira sa karagatan, marine life at pagbara sa mga drainage systems na isa sa mga dahilan ng pagbaha.

Ngayong araw, Enero 26, ipinagdiriwang din ang International Day of Clean Energy upang isulong ang paggamit ng renewable energy upang paigtingin ang laban sa climate change.

Source: Bicol DOT Ph

Leave a Reply