Iriga: Center Island naging dahilan sa isang aksidente sa San Fernando, Camarines Sur

0
1

Nagkalat ang mga bubog mula sa mga nabasag na bote ng alak sa kalsadang sakop ng San Fernando, Camarines Sur matapos maaksidente ang delivery truck na may lulan nito kahapong umaga, Enero 19, 2023.

Ayon sa impormasyon, galing sa Laguna papuntang Legazpi City ang truck nang hindi nito napansin ang center island sa nasabing kalsada na naging dahilan ng aksidente.

Maswerteng ligtas naman ang driver ng truck at walang nadamay sa insidente.

Patuloy ngayon ang imbestigasyon sa aksidente. (Jv Navarro Verdeflor Jr., photo credits to the owner)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here