Iriga: Catanduanes, niyanig ng magnitude 2.4 na lindol

0
3
photo courtesy of Albay PIO

Niyanig ng magnitude 2.4 na lindol ang Catanduanes ngayong umaga.

Ayon sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang naturang pagyanig alas 5:36 kanina sa lokasyon na 14.36°N, 123.99°E – 044 km N 20° kanluran ng Caramoran, Catanduanes.

Tectonic ang origin ng naturang lindol kung saan may lalim itong 001 km.

Wala namang naitalang pinsala ang nasabing pagyanig, at wala ring inaasahang aftershocks kasunod nito.

(Source: Albay PIO)

Leave a Reply