Iriga: Bulkang Mayon nananatiling nasa Alert Level 1 – PHIVOLCS

0
8
(Photo courtesy of DOST-PHIVOLCS)

Nananatili sa Alert Level 1 ang status ng Bulkang Mayon sa Albay, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Hunyo 19, 2024.

Sa ulat ng Phivolcs, nakapagtala ng dalawang volcanic earthquake ang nasabing bulkan sa nakalipas na 24 oras.

Aabot naman sa 720 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinubuga nito na may katamtamang pagsingaw na napadpad sa kanluran, timog-kanluran, kanluran-hilagang kanluran at hilagang kanluran. (Emman Lumapag)

Leave a Reply