Iriga: Bringing government services closer to the people

0
7

Sa halagang $200 US dollars o nasa P12,000 Philippine peso, maaari nang makapaginvest ang sinuman sa Retail Dollar Bond at kumita ng 5.75% interest per annum sa loob ng lima at kalahating taon.

Ang retail investment na ito ng Bureau of the Treasury (BTr), na hanggang Oktobre 6, 2023 lamang, ang isa sa mga tampok na programa at serbisyo ng pamahalaan sa kauna-unahang Open House Tour ng mga ahensya ng pamahalaan sa Government Center Site sa Rawis, Legazpi City nitong Miyerkules.

Naitampok din ang mga libreng serbisyo kasama ang Theoretical Driving Course ng Land Transportation Office – Bicol, voters certificate at access sa listahan ng mga lokal na kandidato para sa Barangay and SK Elections ng Comelec Region 5, legal advice at counselling ng Commission of Human Rights, at iba pang programa ng Philippine Statistics Authority at MARINA Region V.

Ayon kay BTr Bicol Director Everette Villarasa, layunin ng nasabing aktibidad na mas maipakilala at mailapit sa publiko ang mga programa at serbisyo ng pamahalaan, maliban pa sa kanilang mga palagiang kliyente. 

(Source: PIA Albay)

Leave a Reply