Iriga: Bicolana, hinirang na champion at gold medalist sa Arnis National Battle of The Champions 2023

0
6

Hinirang na kampyon at gold medalist ang Bicolanang si Mzyra Velasco sa Live Stick- Light Heavy Weight Women’s Category ng Philippine Eskrima Kali Arnis Federation (PEKAF) National Battle of the Champions 2023 nitong Pebrero 25-26, 2023 sa Rizal Memorial Sports Complex, Malate, Manila.

Ang 21-anyos na si Velasco na tubong Quibongbongan, Guinobatan, Albay ay kasalukuyang nag-aaral sa Polytechnic University of the Philippines Manila

Kabilang si Velasco sa mga bumubuo ng world-class National Arnis Team na i-rerepresenta ang Pilipinas sa Cambodia kaugnay ng 32nd Southeast Asian Games (SEA).

Payo nito sa kaniyang mga kapwa atleta, ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili at consistency ang susi para maabot ang kanilang mga pangarap. (Jv Navarro Verdeflor Jr., photo credits to the owner)

Leave a Reply