Iriga: Bicol region Ligtas na Pamayanan, Ligtas na Pasyalan; PRO5 puspusan ang Peace and Order Program sa rehiyon

0
7

Matagumpay na idinaos ang pinakahihintay ng Philippine Motorcycle Rider Community na two-day Tourism Motorcycle Riding Event na tinawag na “Albay Loop” sa Bicol Region.

Sa impormasyon, Dinayo ng motorcycle riders mula sa ibat-ibang lugar sa Luzon, Vizayas at Mindanao ang naturang aktibidad kung saan personal naman na pinangasiwaan ni Police Regional Office 5 Director PBGEN ANDRE PEREZ DIZON ang seguridad sa nasabing aktibidad.

Sa dalawang araw na ride ay inikot ng mga motorcycle enthusiasts na binubuo ng Big Bikes at majority underbone riders ang 567 KM ng magagandang tanawin sa lansangan ng 𝐀𝐥𝐛𝐚𝐲, 𝐂𝐚𝐦𝐚𝐫𝐢𝐧𝐞𝐬 𝐒𝐮𝐫 at 𝐒𝐨𝐫𝐬𝐨𝐠𝐨𝐧 kung saan nasilayan ang magagandang tourist destinations na nagsilbing hintuan o checkpoint ng mga rriders:

DAY 1 – 𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟐𝟒, 𝟐𝟎𝟐𝟒 (271KMS)
Legazpi Old Airport
Mayon Skyline View Deck
Partido Riviera
Tagas Boulevard
Camsur Watersports Complex (CWC)
Kawa-kawa Natural Park
Legazpi Boulevard

DAY 2 – 𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟐𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟒 (296KMS)
Quituinan Ranch
Cagsawa Ruins
Giant Nuestra Señora de Salvacion
Cagraray Eco-energy Park
Aguas Farm Cafe
Barcelona Ruins and Park
Bulusan Lake
16k Blue Roses
Sorsogon Sports Complex
Pepita Park
Legazpi Airport

Kaibahan sa ibang sikat na motorcycle riding event na tila challenge, Ang nasabing “albay loop” ay inaprubahan at sinangayunan ng ibat-ibang LGU sa rehiyon.

Ilang mga punong-lungsod rin ang nakisaya, nakiisa at sumalang rin sa “Albay loop” tourism MC riding event na naging mapayapa at walang naitala na insidente sa rehiyon. Dinaluhan rin ni Sen JV Ejercito at mga sikat na (vloggers) na tulad ni Bicolana Rider na si Steph Sinco at sikat rin na lady rider na si Jet Lee na kapwa mga nagsusulong ng Motorcycle Tourism sa bansa.

Nabatid na na ang Albay Loop ay organisadong proyekto na naglalayong isulong ang motorcycle tourism sa ilalim ng Toursim Promotions Board(TPB) ng Department of Tourism kasabay ng pagpapalakas ng turismo sa naturang rehiyon.

Sa naganap na matagumpay na Albay Loop ay nagjng hands-on si PBGEN DIZON sa seguridad ng mga dayo, local rider participants at mga manonood na mga residente kung saan maagap ang Heneral na naglatag ng mga pulis sa lansangan at personal rin na inikot at ininspeksyon nito ang mga daraanan at hihintuan ng mga participants upang masiguro ang maayos na deployment ng bantay seguridad sa kalsada para sa kapanan ng bawat isa.

Naging aktibo rin ang Region 5 HPG sa pagmamando ng daloy ng trapiko sa ibat-ibang lansangan katuwang ang mga local traffic enforcers at force multipliers sa mga nabanggit na probinsya sa Bicol. Alinsunod sa maayos na plano at pagpapatupad ng seguridad ng masigasig na kapwa natin rider na si Genera Dizon.

Nabatid rin na hindi man lubos na nakasalang sa nasabing riding event ang kapwa natin rider na si General Dizon sa kasagsagan ng two day dahil sa pagiging abala sa seguridad sa area sa pamamagitan ng walang kapaguran at personal na pagsasagawa ng kanyang “Best Practice” na Bike at Motorcycle Patrol sa mga naging ruta ng naturang aktibidad sa Daraga at Legazpi Albay. Katuwang sa pagtimon sa bantay seguridad ang mga Provincial Directors na tulad nina PCOL JULIUS ANOÑUEVO ng Albay PPO, Canarines Sur PPO PCOL VIRGILIO OLALA JR at Sorsogon PD PCOL DIONESIO LACEDA.

Napagalaman na isinagawa muna ang Albay Loop SAFETY RIDING SKILLS TRAINING AND SAFETY RIDING CLINIC sa Legazpi Airport bago ang pormal na Jumpoff ng mapayapa at masayang MC Tourism Riding Event na sinalihan ng mga big bike at underbone riders.

(Source: PNP Kasurog Bicol)

Leave a Reply