Itinampok ng 41 na magsasaka at agripreneurs ang iba’t ibang produkto mula sa niyog sa isinagawang Bicol Coconut Trade Fair ng Department of Trade and Industry Region V sa SM City Legazpi nitong Agosto 24 – 27.
Ayon kay DTI Bicol Regional Director Dindo Nabol layunin ng nasabing aktibidad na isulong ang industriya ng niyog sa rehiyon.
Saad ni DTI Bicol Information Officer Jocelyn Romano – Berango umabot sa 646, 125 ang total sales ng trade fair.
Aniya, ang coconut trade fair ay marketing and market promotion component ng Coconut Farmers and Industry Development Plan (CDFIP).
Ito ay kanilang ipinatutupad bilang bahagi ng market development programs para sa mga magsasaka at iba pang stakeholders sa coconut industry.
(Source: PIA Albay, photo courtesy of DTI Region V-Bicol)