Iriga: BFAR 5 at DOJ 5, Naglunsad ng Pagsasanay para sa Mas Epektibong Pag-uusig ng Paglabag sa Batas ng Pangisdaan

0
6

 

Isinagawa ang Capacity Development Program for Law Enforcement Authorities on Case Build-Up and Prosecution of Fisheries Law Violations noong Nobyembre 18–20, 2025 sa Legazpi City.

Dumalo ang 17 miyembrong ahensya ng RLECC-Sub-Comittee on Fishing and Marine Environment Protection upang paigtingin ang kanilang kaalaman at kasanayan sa pagbuo at pag-usad ng mga kaso ng paglabag sa batas ng pangisdaan—mula sa pag-aresto hanggang sa matagumpay na pag-uusig. Layunin ng aktibidad na punan ang mga kaalaman at procedural gaps upang matiyak na ang mga kaso ay may matibay na legal na batayan at magsilbing panlaban sa ilegal at mapanirang pangingisda.

Tinalakay ng mga eksperto mula sa BFAR 5 at DOJ 5 ang mga mahahalagang paksa gaya ng ethical standards, DOJ DC 20 (Case Build-Up Policy), RA 8550 na binago ng RA 10654, elements & evidence, warrantless arrest, fisheries law enforcement protocol, judicial affidavit, rules of procedure, at isinagawa rin ang mock trial bilang praktikal na aplikasyon.

Sa pagtatapos ng tatlong araw na pagsasanay, muling pinagtibay ang matatag na koordinasyon ng mga ahensya sa pagpapatupad ng batas at pangangalaga ng yamang-dagat.

Ang pagtaas ng kapasidad ng mga tagapagpatupad ng batas ay mahalagang hakbang tungo sa mas epektibong fisheries law enforcement at mas ligtas at mas produktibong karagatan para sa rehiyong Bikol.

Nagbigay ng kanilang mensahe sina Ariel U. Pioquinto, Regional Director ng BFAR 5, at Honorable Mary May B. De Leoz, Regional Prosecutor ng DOJ 5, na kapwa nagpaabot ng suporta at binigyang-diin ang kahalagahan ng patuloy na pagpapalakas ng kapasidad ng mga tagapagpatupad ng batas sa rehiyon.

Source: BFAR Bicol

Leave a Reply