Iriga: Babaeng Itinuturong sangkot sa Illegal na Droga, Arestado sa Search Warrant Operation sa Buhi, Camarines Sur

    0
    4

    Arestado ang isang babae matapos makumpiskahan ng hinihinalang ilegal na droga sa isinagawang implementasyon ng search warrant ng mga operatiba ng Kaogma Cops sa Zone 3, Brgy. Sta. Elena, Buhi, Camarines Sur, bandang alas-8:00 ng gabi noong Marso 16, 2026. Kinilala ang suspek sa alyas na “Saly,” 32 taong gulang, isang fish vendor at residente ng nasabing lugar. Nahaharap siya sa kasong paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

    Sa bisa ng ipinatupad na Search Warrant, nagsagawa ng operasyon ang operatiba ng Municipal Drug Enforcement Unit (MDEU) ng Buhi Municipal Police Station sa pangunguna ni PMAJ Venchito Cerillo, ACOP. Sa isinagawang paghahalughog, nakumpiska ang walong ( maliliit at isang (1) medium heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting kristalinong substansiya na hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 2.5 gramo at tinatayang street value na humigit-kumulang ₱17,000.

    Ang mga nakuhang ebidensiya ay agad na minarkahan at isinailalim sa imbentaryo sa mismong lugar ng operasyon sa harap ng mga kinatawan ng barangay at media bilang mga insulating witnesses at sa presensya ng suspek. Kaagad ding inaresto ang nasabing indibidwal at ipinaalam sa kanya ang kanyang mga karapatang konstitusyonal. Patuloy naman ang isinasagawang kaukulang proseso at dokumentasyon kaugnay ng operasyon.

    Muling iginiit ni PCOL Virgilio O. Olalia, Jr., Provincial Director ng Camarines Sur Police Provincial Office, na patuloy na nakabantay ang mga Kaogma Cops laban sa sinumang lumalabag sa batas kaugnay ng ilegal na droga. Binigyang-diin niya na hindi papayagan ng kapulisan ang ganitong uri ng ilegal na aktibidad at patuloy nilang tutugisin at aarestuhin ang mga indibidwal na sangkot sa paggamit at pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa komunidad. – Glenda Bearis

    Source: PNP Kasurog Bicol

    Leave a Reply