Iriga: Albay, muling napili bilang benepisyaryo ng disaster-related foreign funded projects sa buong Pilipinas

0
5
(Photo courtesy of Albay Provincial Information Office)

Muling napili ang lalawigan ng Albay na maging benepisyaryo ng isang disaster-related foreign funded projects sa buong Pilipinas.

Ang Disaster Readiness and Response Project ng Philippine at American Red Cross ay muling magbibigay ng tulong sa mga piling barangay sa Albay.

Kabilang sa mga ito ang mga barangay ng Itba, Cawit, Hologan, Tinapian at Malobago sa bayan ng Manito at Barangay 1, 2, 12, 13 at Igang sa bayan ng Bacacay.

Ayon kay Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) Head Dr. Cedric D. Daep, una nang naging benepisyaryo noong taong 1989 ang Albay sa tulong ng PRC kung saan pinundohan ito ng Italian Government na nagkakahalaga ng mahigit kumulang 300,000 euros.

At ngayong taon, matapos ang mabusising pagsusuri, site visits at balidasyon, muling makikinabang ang Albay sa nasabing proyekto na tatagal ng tatlong taon o higit pa.

Ilan lamang sa mga naging basehan ng pagkakapili ng Albay ay ang accessibility, vulnerability, at capabilities ng Pamahalang Lokal at ng PRC.

Ang mga nabanggit na mga barangay ay makakatanggap ng technical at material support, gayundin ang iba pang tulong na maaring ibigay base sa isasagawang dagdag na assessment para sa karagdagang pondo.

Maliban sa Albay, kasama rin ang Camarines Sur sa isa pang lalawigan sa buong bansa na nakatanggap ng nasabing proyekto.

(Source: Albay Provincial Information Office)

Leave a Reply