Iriga: Agham vs Problema sa Tubig at Lupa; DOST, Nagbigay Solusyon; Bicol LGUs Benepisyaryo

0
2

Laoag City, Ilocos Norte | Samuโ€™t saring mga programa ang itinampok sa pangalawang araw ng 2025 National Science, Technology, and Innovation Week (NSTW). Kabilang dito ang Water Compendium at ang Project SARAI (Smarter Approaches to Reinvigorate Agriculture as an Industry in the Philippines), na magkasamang nakatuon sa mga solusyong tutugon sa lumalalang hamon sa agrikultura at tubig.

Kaugnay nito, tatlong Local Government Units (LGU) mula sa Bicolโ€”ang Libmanan (Camarines Sur), Mandaon (Masbate), at Legazpi City (Albay)โ€”ang napiling benepisyaryo ng Wave of Action Book (Water Compendium). Dagdag pa rito, sila rin ang pinarangalan bilang mga pilot sites ng Project SARAI sa rehiyon. Layunin ng programa na hindi lamang punan ang kritikal na kakulangan sa tubig, kundi palakasin din ang kapasidad ng mga lokal na pamahalaan na magpatupad ng science-based solutions para sa mas ligtas at episyenteng pamamahala ng mga yamang ito.

Sa harap ng mga hamong ito, itinampok ni DOST Secretary Renato U. Solidum Jr. ang lawak ng problema:

โ€œ๐˜—๐‘Ž๐˜จ ๐˜ด๐‘œ๐˜ฃ๐‘Ÿ๐˜ข ๐˜ข๐‘›๐˜จ ๐˜ต๐‘ข๐˜ฃ๐‘–๐˜จ, ๐‘๐˜ขโ„Ž๐˜ข. ๐‘ƒ๐˜ข๐‘” ๐‘˜๐˜ถ๐‘™๐˜ข๐‘›๐˜จ ๐˜ฏ๐‘Ž๐˜ฎ๐‘Ž๐˜ฏ, ๐‘ก๐˜ข๐‘”-๐‘ก๐˜ถ๐‘ฆ๐˜ฐ๐‘ก.

๐˜’๐‘Ž๐˜บ๐‘Ž, ๐˜ต๐‘ข๐˜ฃ๐‘–๐˜จ ๐˜ช๐‘  โ€˜๐˜ต๐‘œ๐˜ฐ ๐˜ฃ๐‘–๐˜จโ€™ ๐‘Ž ๐‘๐˜ณ๐‘œ๐˜ฃ๐‘™๐˜ฆ๐‘š.โ€

Tiniyak niya na ang paglulunsad ng Water Compendium at Project SARAI ay mga konkretong hakbang na maghahatid ng matatag na kinabukasan sa agrikultura at kaligtasan ng tubig sa bansa. #DOSTBicol #NSTW2025InLaoagCity

Source: DOST Bicol

Leave a Reply