Iriga: Abaca fiber sa Bicol apektado ng giyera sa Ukraine at Russia

0
10

Humina ang bilihan ngayon ng abaca fiber sa Kabikolan sa gitna ng muling paglakas ng produksyon nito sa rehiyon, lalo na sa probinsya ng Catanduanes.

Sa naging pahayag ni OIC Regional Director Mary Ann Molina, ng Philippine Fiber Development Authority (Philfida) Regional office 5, nakarekober na sana at nakabalik na sa malakas na produksyon ang abaca industry sa Kabikolan matapos ang dumaang mga kalamidad.

Subalit ang problema nagkakaroon ngayon ng pagbaba sa purchasing capacity ng mga bansang nag iimport nito sa Pilipinas lalo na an Europa na naapektuhan ng digmaan sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Napag alaman na ang mga bansa sa Europa kasama na ang Japan ang malakas na bumibili ng abaca fiber sa Pilipinas dahil sa ibat ibang gamit nito, lalo na ang kanilang mga saliring currency o perang papel.

Gumagawa na umano ng paraan ang Philfida kung papano nila matutulungan ang mga apektadong mga abaca farmers sa Kabikolan. (Jv Navarro Verdeflor Jr, photos credits to the owners)

Leave a Reply