Iriga: 9 miyembro ng Milisyang Bayan, boluntaryong sumuko sa awtoridad

    0
    10
    photo courtesy of PNP Kasurog Bicol

    Camp Bonny Serrano, Masbate City – Siyam na miyembro ng Milisyang Bayan (MB) mula Barangay Guintorelan, Mobo, Masbate ang kusang–loob na sumuko sa mga awtoridad dakong 1:00 ng hapon ika-26 ng Disyembre 2024.

    Sa ulat na natanggap ng Masbate Police Provincial Office, ang mga sumukong miyembro ay kinabibilangan nina alyas Nel; Jaguar; Mighty; isang panner na si alyas Double B; isang construction worker na si alyas Hazel; at apat na magsasaka na sina alyas Jayson, Art, Ricky at Mimoy.

    Kasama sa kanilang pagsuko ang isang kalibre .45 pistol, magasin at limang bala.

    Agad na isinailalim sa debriefing at psychosocial intervention ang mga sumuko upang maihanda sila bilang mga benepisyaryo ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP). Layunin ng program ang ligtas at maayos na reintegrasyon ng mga dating rebelde sa lipunan.

    Pinuri ni Masbate Police Provincial Director PCOL LIANE M VAN DE VELDE ang pagsisikap ng R-PSB Team Guintorelan ng Masbate 1st Provincial Mobile Force Company katuwang ang PIU-Masbate PPO, Mobo MPS, at 2nd Infantry Battalion ng Philippine Army, sa matagumpay na pagsuko ng mga miyembro ng Communist Terrorist Group.

    Ang hakbang na ito ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa insurhensiya na nakapaloob sa Executive No. 70, na naglalayung buuin ang isang Whole-of-Nation-approach, upang wakasan ang lokal na komunista at armadong tunggalian, at bilang mekanismo para sa mas epektibong koordinasyon at integrasyon ng mga ahensya ng gobyerno at mga lokal na pamayanan.

    (Source: PNP Kasurog Bicol)

    Leave a Reply