Iriga: 67th Public Library Day, nakatakdang ipagdiwang sa Albay

0
0

Nakatakdang ipagdiwang ng Pamahalaang Lokal ng Albay, sa pamamagitan ng Albay Provincial Library and Information Center (APLIC) sa darating na lunes, ika-9 ng Marso ang 67th Public Library Day.

Ayon kay Provincial Librarian Amylen N. Bautista, kabilang sa mga matutunghayang aktibidad ang “Aram Mo? Aram ko? (Local Lingo Challenge), “Sulyap Bikol (Bicol Corner Exhibit), Bicol GAD at Online Storytelling Sessions.

Dagdag pa nito, sa darating na ika-25 hanggang ika-27 ng Marso ay gaganapin ang “Oh My GAD P.A.L.A in Public, Academic, and School Libraries in Albay” para sa pag suporta ngayong 2026 National Women’s Month.

Sa pamamagitan ng mga inisyatibong ito, patuloy na pinatitibay ng APLIC ang mahalagang papel ng silid-aklatan bilang sentro ng karunungan, at pagpapahalaga sa kulturang Bikolnon.

Source: Albay PIO Intern/CMDacoro, Albay PIO

Leave a Reply