Iriga: 4 telemetered rain gauges, nakatakdang ilagak sa ilang barangay sa Albay

0
8

Apat na telemetered rain gauges ang nakatakdang ilagak sa ilang barangay sa Albay ngayong taon.

Ito ay matapos ng masusing rebyu na pinangunahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Albay sa kasunduan na may titulong, “Installation of telemetered rain gauge and construction of security fence in Misibis Eco Park, Barangay Misibis, Bacacay Albay for Landslide and Flood Hazard Information and Early Warning System in Albay” at “Installation of telemetered rain gauge and construction of security fence in Barangay Sampongan, Libon; Barangay Pintor, Polangui; and Barangay Malobago for Landslide and Flood Hazard Information and Early Warning System in Albay”.

Ang naturang mga rain gauges ay gagamitin para sa mabilis at mahigpit na pag-monitor ng dami ng tubig-ulan na nararanasan at bumabagsak sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan.

Ayon kay APSEMO Research and Statistics Division Head John Eugene Vincent N. Escobar, malaking tulong ang mga instrumento upang ma-monitor nila ang mga posibleng pagbaha, lahar flow at flash floods sa mga nabanggit na lugar sakaling magkaroon ng malalakas na pag-ulan o anumang kalamidad.

Aniya, maaari na itong pagbasehan para sa gagawing desisyon ng Pamahalaang Lokal ng Albay para sa posibleng suspension o pagpapalikas ng mga maaapektuhan na mga residente.

Source: Albay PIO

Leave a Reply