Iriga: 3 tulak ng droga timbog sa operasyon ng PNP Bicol at PDEA ROV

    0
    5
    photo courtesy of PNP Kasurog Bicol

    Camp BGen Simeon A Ola, Legazpi City – Muling nagkamit ng tagumpay ang mga pwersa ng PNP Bicol at PDEA ROV sa ikinasa nitong buy-bust operation sa Ligao City laban sa tatlong street-level individuals.

    Dakong 4:30 PM ng Hulyo 28, 2024, isinagawa ang operasyon na nagresulta sa pagkakahuli ng mga suspek na sina Alias “Piko”, Arc, at Tony. Narekober mula sa kanilang pangangalaga ang 15 gramo ng shabu na nakasilid sa labintatlong pakete ng plastic, na may kabuuang halaga na PhP82,500.00.

    Ang mga naaresto ay kasalukuyan nang nasa pangangalaga ng PDEA ROV para sa kaukulang imbestigasyon at pagsasampa ng kaso.

    Ang matagumpay na operasyon na ito ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng PNP Bicol at PDEA ROV sa pagsugpo ng ilegal na droga sa rehiyon.

    (Source: PNP Kasurog Bicol)

    Leave a Reply