Iriga: 240 Volcanic Earthquakes, 292 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.

    0
    5

    Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 240 na volcanic earthquake, 292 na rockfall events, at 37 na Pyroclastic Density Current o uson sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24-oras batay sa kanilang ulat ngayong ika-28 ng Enero.

    Halos dumobleng muli ang volume ng asupreng naibubuga ng bulkan kada araw na nasa 3364 tonelada base sa naitalang datos ng ahensya simula kahapon.

    Patuloy rin ang na-oobserbahang lava flow, at mayroon ring panaka-nakang mahinang strombolian activity o low volcanic earthquakes mula sa Mayon.

    Mayroon ding 1000 metrong taas ng plume o katamtamang pagsingaw ang na-obserbahan mula sa crater na napapadpad sa kanlurang bahagi ng bulkan.

    Sa kasalukuyan ay nananatili pa ring nasa Alert Level 3 ang Mayon kung kaya’t mahigpit pa ring pinagbabawal ang pagpasok sa loob ng 6-km Radius Permanent Danger Zone (PDZ) nito.

    Source: Albay PIO

    Leave a Reply