Iriga: 20 toilet bowls, ipinamahagi ng Albay Health Office sa “tent city” sa Malilipot

0
4

Naipamahagi na ng Albay Provincial Health Office (APHO) ang nasa 20 na mga toilet bowls sa itinayong ‘tent city’ sa bayan ng Malilipot dulot ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.

Ayon sa APHO, bahagi aniya ito ng kanilang augmentation support sa nasa 1,482 na Internally Displaced Persons (IDPs) na inilikas mula sa Brgy. Calbayog, San Roque, at Canaway.

Ani Sanitation Inspector I Anthony Ludovice, layunin nitong mapanatili ang kalinisan sa evacuation site na bahagi ng kanilang Water, Sanitation, and Hygiene (WASH) program.

Dagdag pa ng opisyal, sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga makeshift comfort rooms ay maiiwasan rin ang pagkakaroon ng food and waterborne diseases (FWBDs) katulad ng cholera, typhoid, dysentery, at hepatitis A na karaniwang nakukuha sa pamamagitan ng fecal-oral routes, lalo na sa mga lugar na may poor sanitation at kontaminadong water supplies.

Bukod sa pamamahagi ng toilet bowls, mahigpit rin ang isinasagawang surveillance ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) in Health cluster ng APHO.

Source: Albay PIO

Leave a Reply