Iriga: 2 paaralan, 1 evacuation center sa Bacacay, ganap nang 100% solar-powered sites

0
4
photo courtesy of Albay PIO

Ang mga ito ay ang Municipal Evacuation Center, Langaton Elementary School, at Matatas Elementary School sa nasabing bayan na pareho ring nagsisilbing evacuation sites sa panahon ng kalamidad.

Ito’y naisakatuparan sa pamamagitan ng Generating Renewable Energy and Innovative Designs for Displacement (GRID) Project ng International Organization for Migration (IOM) Philippines na pinondohan naman ng Norwegian Ministry of Foreign Affairs.

Ayon kay Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) Officer-in-Charge Engr. Dante B. Baclao, makabagong klase na ng solar panel ang ikinabit sa mga nabanggit na site at inaasahang tatagal ito ng 15 taon.

Dagdag pa ni Baclao, Bacacay ang unang naging benepisyaryo ng GRID Project dahil ito ang pinaka-accessible sa mga naaydentipikang most vulnerable communities sa lalawigan.

Ang GRID Project ay inilunsad ng IOM sa paglalayong makapagbigay ng mabisa at maaasahang suplay ng kuryente sa mga displaced families tuwing mayroong sakuna sa pamamagitan ng modular solar photovoltaic (PV) network.

(Source: Albay PIO)

Leave a Reply