Iriga: 12-wheeler trucks, pinayagan na muli sa mga kalsada ng Albay

0
29

Muling pinayagan ang pagdaan ng mga 12 – wheeler trucks sa piling mga kalsada sa Albay alinsunod sa Executive Order No. 05-A series of 2025 ni Governor Noel E. Rosal.

Ang naturang kautusan ay bilang pag-amyenda sa naunang Executive Order No. 05, na nagbabawal sa mga ito sa mga provincial, city/municipal, at barangay roads.

Ayon sa Pamahalaang Lokal ng Albay, nagdulot ng malaking hamon sa ekonomiya ang naunang limitasyon, partikular sa mga negosyong umaasa sa transportasyon ng malalaking volume ng kargamento.

Matapos ang isang technical conference, napag-alaman na ang karamihan sa mga provincial at city/municipal roads ay kayang suportahan ang bigat ng mga 12-wheeler trucks nang hindi nagdudulot ng pinsala, basta hindi ito overloaded.

Ang pagbabalik ng mga trucks na ito ay inaasahang magpapagaan sa operasyon ng mga negosyo at magpapatuloy sa daloy ng kalakalan sa lalawigan.

Gayunpaman, mananatiling bawal ang mga 12-wheeler trucks at mas mabibigat na sasakyan sa mga barangay roads, alinsunod sa naturang rekomendasyon upang maprotektahan ang mas maliliit na imprastraktura.

Source: Albay PIO

Leave a Reply