Iriga: 𝐌𝐚𝐮𝐧𝐥𝐚𝐝 𝐧𝐚 𝐭𝐮𝐫𝐢𝐬𝐦𝐨 𝐚𝐭 𝐝𝐞𝐤𝐚𝐥𝐢𝐝𝐚𝐝 𝐧𝐚 𝐬𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨, 𝐥𝐚𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐃𝐎𝐓 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐬

0
11

Ibinahagi ng Kagawaran ng Turismo sa Bicol ang ilan sa mga plano nito sa pagpapalago ng turismo sa rehiyon at dekalidad na serbsiyo, sa ginanap na Kapihan sa Bagong Pilipinas, nitong Huwebes, March 6.

Inilunsad ng kagawaran ang kanilang mga hakbangin upang mas mapagbuti ang kalidad ng serbisyo sa mga turistang nais libuting ang ganda ng Bicol.

Katulad na lamang dito ang accreditation sa mga tourist spots sa rehiyon, pagdagdag ng international flights papasok at palabas sa Bicol, at pagsasaayos ng mga kalsada.
Binigyang-diin rin ni DOT Bicol Regional Director Herbie Aguas na ipagpapatuloy pa rin ang mga pagsasanay sa mga tourism workers at service providers para sa pagpapaigting ng Filipino Brand of Service Excellence ng pamahalaan.

Naitala ang 4,381,598 domestic tourist arrival habang 54,165 naman ang naitalang international tourist arrival sa Bicol sa taong 2024.

Nangungnuna ang lalawigan ng Albay na may 1,391,170 domestic tourist arrival at 16,023 na foreign tourist arrival, at sumunod ang Camarines Sur na may 1,342,430 na domestic tourist arrival at 20,194 na foreign tourist arrival.

Inaanyayahin ni RD Aguas ang mga Pilipino na bisitahin ang Bicolandia upang mamahanga sa likas na ganda ng sining, kultura at turismo ng lugar.

Source: PIA Bicol Region

Leave a Reply