Wala pang pinal na alituntunin at ilalatag na seguridad para sa nalalapit na Traslacion ng itim na Nazareno sa Huwebes, Enero 9.
Ito mismo ang inamin ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Spokesman Major Britz Estadilla kung saan sinabi nitong wala pa silang napagkakasunduan hinggil sa mga ipatutupad na alituntunin at seguridad para sa Traslacion.
Aniya, ngayong araw pa lamang sila nakatakdang magsagawa ng final coordinating meeting kung saan inaasahan na mag-pulong ang pulisya, pamunuan ng Quiapo church at iba pang ahensiya.
Kaugnay nito, nilinaw naman ni Estadilla na papayagan pa rin ang pag-akyat ng mga mananampalataya na umakyat sa karosa na may dala ng Poong Nazareno.
Matatandaang, unang sinabi ni NCRPO Chief Brig Gen. Debold Sinas na hindi na nila papayagan ang mga hijos na umakyat sa likurang bahagi ng andas kung papayagan sila ng simbahan.
Hindi pa final pero napag-usapan kahapon is may aakyat pa din pero sa may bandang likod na lang kasi nakiusap yung mga pari at deboto na ipagpatuloy pa din yung tradisyon at sa amin naman security ang primary purpose namin, okay naman sa amin yun wala lang haharang sa harapan,” ani Estadilla.