Inflation nitong Abril bumagal sa 2.2% —PSA

0
11

Bumagal pa sa 2.2% ang inflation rate para sa buwan ng Abril.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, ito na ang pinakamababang inflation rate na naitala sa nakalipas na limang buwan.

Matatandaang naitala ang 2.5% na inflation rate noong Marso at 3% na inflation rate noong Abril ng nakaraang taon.

Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno, ang pagbagal ng inflation rate ay bunsod ng mababang transportation prices na epekto pa rin ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) global pandemic.