Radio Philippines Network
Headlines National News

Imbestigasyon sa misencounter ng mga pulis at sundalo sa Jolo ipinaubaya na sa NBI

Nagkasundo ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na ipa-ubaya sa National Bureau of Investigation (NBI) ang imbestigasyon sa misencounter sa pagitan ng pulis at mga sundalo sa Jolo, Sulu.

Sa panayam ng DWIZ kay Lieutenant General Cirilito Sobejana, hepe ng Western Mindanao Command, sinabi nito na nagkausap na sila ng ng regional director ng PNP sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) hinggil sa insidente.

Matatandaan na apat na sundalo ang napatay nang magkabarilan ang mga pulis at sundalo sa Jolo, Sulu.

Sa ngayon anya ay may magkakaibang bersyon pa kung ano ang tunay na nangyari kayat ipina-uubaya na nila sa NBI ang pagtukoy sa tutuong nangyari.

Tatlo sa mga napatay na sundalo ang nasa Zamboanga City at mula ruon ay i-uuwi ang mga ito sa kani kanilang pamilya samantalang ang labi ng isa pa ay naiwan na sa Sulu kung saan naruon ang kanyang pamilya.

Ayon kay Sobejana, ang mga napatay ay isang major, isang kapitan, isang sarhento, at isang korporal.

Isa anya sa mga ito ang naging tauhan nya nuon sa Joint Task Force Sulu kaya’t kaya niyang patunayan ang maayos na performance nito sa pagtupad ng kanyang tungkulin.

Related posts

Maayos na halalan hinimok na ipanalangin

Powered by DWIZ

Extended ECQ aprubado na ni Duterte

Powered by DWIZ

Pag-imprenta ng halos 1M balota para sa overseas voting natapos na

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More