Radio Philippines Network
National News

2 patay, 3 sugatan sa sunog sa Pasig City

Patay ang dalawa katao habang sugatan ang tatlong iba pa sa sunog sa isang residential area sa Barangay San Joaquin sa Pasig City.

Kinilala ang mga nasawi na sina Rodolfo Eguillos at 10 taong gulang na anak nito.

Habang nagtamo ng third degree burn sa mukha at sugat sa binti ang isang Marie Antonette, sugat sa likod si John Rofer Eguillos at first degree burn sa kaliwang paa si Fercilina Eguillos.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection-Pasig, sumiklab ang sunog pasado ala-una kaninang madaling araw sa bahay ng isang Merlina Dalayday.

Agad na umakyat ang sunog sa unang alarma matapos na lamunin ng apoy ang buong bahay bago ito tuluyang naapula pasado ala 1:50 ng madaling araw.

Patuloy namang iniimbestigahan ang pinagmulan ng sunog habang tinatayang nasa P200,000 ang halaga ng mga natupok na ari-arian.

Related posts

Senado muling isinailalim sa disinfection

Powered by DWIZ

186 ahensya ng gobyerno naka enroll na sa E-FOI

Powered by DWIZ

EAC Building ‘wag nang gamitin – DPWH

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More