Illegal ‘Organ Harvesting’ ng isang ethnic group sa China pina-iimbestigahan

0
17

Pina-iimbestigahan ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) ang report nang sapilitang pagkuha at pagbenta sa organ ng mga pinarusahang religious at ethnic minorities ng China.

Lumabas sa findings ng Independent panel na China Ribunal na patuloy ang organ harvesting sa mga nakakulong na miyembro ng Falun Gong spiritual group.

Ayon kay Atty Hamid Sabi, obligasyon ng mga bansang miyembro ng United Nations kabilang na ang China na aksyunan ang iligal at hindi patas na sistema ng organ donation.

Sapilitan umanong kinukuha ang bahagi ng katawan ng ethnic minorities hanggang mamatay ang mga ito

Taong 1999 nang i-ban ng Chinese government ang naturang grupo matapos mag protesta ang nasa 10K miyembro nito sa Beijing.