Ilang negosyo sa ilalim ng MECQ papayagang magbalik operasyon na

0
142

Unti-unti nang papayagang magbalik operasyon ang ilang non-essential na mga negosyo sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Ayon kay Trade Industry Sec. Ramon Lopez, mayroon na silang listahan ng mga negosyong maaring magbalik operasyon sa ilalim ng MECQ.

Kabilang sa mga pinagbawalang mag operasyon sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang mga manufacturing and processing industries.

Aniya, papayagan na ng pamahalaan na makapag-operasyon ang mga ito ngunit hanggang 50% lamang ng operation capacity nito.

Kailangan ding sumailalim sa COVID-19 tests ang mga empleyado bago ito payagang makabalik sa trabaho.

Kahapon, ini-anunsiyo na ni IATF at Presidential Spokesman Harry Roque na isasailalim na lamang sa MECQ ang Metro Manila, Laguna at Cebu City hanggang sa katapusan ng buwan ng Mayo.