Ilang lugar sa QC, CAMANAVA at Bulacan pansamantalang nakararanas ng water supply interruption

0
48

Ilang lugar sa Quezon City, CAMANAVA at Obando, Bulacan ang pansamantalang nakararanas ng water supply interruption.

Ito, ayon sa Maynilad, ay bunsod ng facility maintenance activity sa La Mesa Pumping Station sa Quezon City.

Kabilang sa mga nakararanas ng service interruption simula ala sais kagabi ang barangay Bagbaguin, Caybiga at Llano sa Caloocan City; Barangay Capri, Gulod, Nagkaisang Nayon at North Fairview Quezon City;

Barangay balangkas, bignay, coloong, dalandanan, karuhatan, east canumay, General T. De leon, Lawang Bato, Malanday, Malinta, Mapulang Lupa, Marulas, Maysan at Polo-Poblacion Sa Valenzuela City;

 Barangay Bancal sa Meycauayan City at Barangay Catanghalan sa Obando, Bulacan.