Ika-114th na Charter ng Araw ng Baguio matagumpay na naipagdiwang

0
17

Baguio City – Matagumpay na ipinagdirwang ang ika-114th na Charter Day anniversary ng lungsod ng Baguio noong Viernes ng nakaraang linggo sa Baguio Convention Center.

Sinamahan pa ito ng State of the City Address ni Mayor Benjamin Magalong na nagpahayag sa naturang okasyon. Ang tema ng pagdiririwang ay ang “Reflections of the Past, Visions for a Reselient Future”.

Sa talumpati ni Mayor Benjamin Magalong, Kanyang ibinahagi sa State of the City Address ang iba’t ibang nagawa nito at ang plano niya para sa lungsod ng Baguio.

Kasama dito ang agarang pagbibigay ng tulong sa naging biktima nangyaring sunog sa Baguio Public Market para mabilis na makabangon ang mga ito at ang mahigpit na pagpapagtupad ng imbestigasyon sa public market operation laban sa mga anomaliya.

Ibinahagi din ng naturang mayor ang nagawang seven-point agenda ng kanyang administrasion sa larangan ng kapaligiran, sa paggamit ng lupa o Land Use at enerhiya; Climate and Disaster Resilience; Urban Regeneration; Youth Empowerment; Economic Development and Competitiveness; Smart City Management; at ang mabuting pamamahala.

Kasama dito ang  green and blue walks project na nagpapakita ng kanilang pangako para sa  eco-friendly at  pedestrian friendly urban environment, ang pagtatapos ang dalawang kapansin-pansin na proyekto tulad ng reflection pool sa  Upper Wright park at ang  Post office park, ang pagkakatatag ng  city disaster risk reduction and management division bilang isang departamento, mga proyektong pabahay, pagbibigay ng pagkakataon sa mga kabataan para sa aktibong pagsali nila sa decision making at ng iba pa.

Dalawa sa mga tatlong outstanding citizens of Baguio ngayong taon, itinuturing nila na isang hamon sa kanila ang parangal na kanilang natanggap.

Itinuturing nila Jail Superintendent Mary Ann Tresmanio at ni Manor General Manager Ramon Cabrera na isang hamon ang pagkapili sa kanila bilang Outstanding Citizen of Baguio ngayong taon 2023 ng Society of Outstanding Citizen of Baguio o ng SOCOB at ng lokal na gobierno ng lungsod ng Baguio.

Sinabi nila na isa itong hamon sa kanila kung papaano nila ipinakita sa mga mamamayan ng lungsod ng Baguio na kanilang napagsilbihan ang kanilang pangako kaya natamo nila ang parangal. Dahil dito, sinabi ni Tresmanio na gagamitin nila ito bilang inspirasyon ang parangal upang lalo pa nilang pagbutihin ang mga Gawain at programa na mangangalaga sa kapakanan ng mga nasa piitan kasama ang pamilya ng mga ito dito sa rehion Cordillera.

Samantala, ibinahagi ni ginoong Cabrera na patuloy siyang tumutulong sa mga manggagawa at maging sa mamamayan ng lungsod hindi lamang dahil sa parangal na kanyang natanggap kundi upang makatulong sa lungsod ng Baguio. (Joel Cervantes | Jim Bernabe | Baguio City PIO, photo courtesy of Baguio City Information office)

Leave a Reply