Ika 111 Malasakit Center, Binuksan Sa Zamboanga Del Sur

0
72

Zamboanga del Sur – Opisyal nang binuksan ngayong araw na ito, Mayo 14, 2021, ang ika-111 na Malasakit Center sa bansa na matatagpuan sa Margosatubig Regional Hospital sa Margosatubig, Zamboanga del Sur.

Ito rin ang ika-27 na Malasakit Center sa Mindanao, panglima sa Region 9 / Zamboanga Peninsula, pangalawa sa Zamboanga del Sur kung saan ang isa pa ay matatagpuan sa Zamboanga del Sur Medical Center sa Pagadian City.

Ang Malasakit Center na inisyatiba ni Sen. Bong Go ay isang one-stop shop kung saan nasa loob na ng isang opisina ang apat na ahensya ng gobyerno, katulad ng PhilHealth, DOH, PCSO at DSWD na magtutulung-tulong upang mapababa ang mga bayarin sa ospital ng isang pasyente.

Dati, ang pasyente o ang kanilang kaanak ay kailangan pang pumunta sa iba’t ibang ahensya para humingi ng tulong. Ngayon, sa Malasakit Center, ang gobyerno na mismo ang lumalapit sa taumbayan.

Ayon kay Sen. Bong Go, “Pera ng mga Pilipino ito. Ibinabalik lang natin sa kanila sa pamamagitan ng mabilis at maayos na serbisyo.”

(News & photo courtesy of Senator Bong Go Facebook page)

Leave a Reply