Iba pang kumpanya nag-anunsyo na rin ng oil price hike

0
52

Ilan pang kumpanya ng langis ang nag-anunsyo ng bigtime price increase sa kanilang mga produkto.

Epektibo alas-6:00 bukas ng umaga ipatutupad ng Shell Pilipinas at Petro Gazz ang dagdag piso at kwarenta’y singko sentimos (P1.45) sa kada litro ng gasolina; trenta sentimos (P0.30) sa diesel at kwarenta sentimos (P0.40) sa kerosene.

Una nang nag-anunsyo ang Unioil ng kahalintulad na price increase sa kanilang produkto.

Ito na ang ika-anim na sunod na linggong nagpatupad ng price hike ang mga oil company.

Simula Enero 1 ay halos siyete pesos (P7.00) na ang itinaas sa kada litro ng diesel; halos anim na piso (P6.00) sa gasolina at mahigit apat na piso (P4.00) sa kerosene.

—-