Head office ng PhilHealth sa Pasig pansamantalang isasara bukas

0
12

Pansamantalang isasara Bukas, August 14 ang head office ng PhilHealth sa Pasig City.

Kasunod ito nang itinakdang paglilinis at disinfection sa tanggapan ng PhilHealth sa Citystate Centre Building sa Shaw Boulevard, Pasig City.

Ang hakbang ay bahagi na rin nang pag iingat kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19)  matapos kumpirmahin mismo ng PhilHealth na ilang empleyado nito ang una nang nag positibo sa nasabing virus nuong mga nakalipas na araw.