Halos 900 Pinoy mula Estados Unidos balik-bansa na

0
15

Dumating na sa bansa ang halos 900 Pilipino na inuwi ng pamahalaan mula sa Estados Unidos.

Binubuo ito ng 445 seafarers mula sa MV Magica at mahigit pa sa 400 mula naman sa MV Favolosa.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), sasailalim sa mandatory 14-day quarantine ang mga seafarers sa isang pasilidad ng pamahalaan.