29.3 C
Manila
Sunday, January 23, 2022

Grab pinagmumulta ng P10-M dahil sa overcharging

- Advertisement -

Pinagmumulta ng sampung milyong piso ng LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang Grab Philppines.

Ito ay dahil sa ginawang “overcharging” o paniningil ng 2 pesos per minute waiting charge ng Grab kahit hindi aprubado ng regulatory board.

Maliban dito, pinare- re-imburse din ng LTFRB sa Grab ang ipinataw nitong nasabing dagdag singil sa mga pasahero mula noong Hunyo 5, 2017 hanggang Abril 19, 2018 sa pamamagitan ng “rebates” o pagbawas sa singil sa susunod na sakay ng mga ito.

Pansamantalang kinansela ng Grab ang dalawang pisong dagdag-singil pero naghain sila ng motion for reconsideration para maibalik ito.

Binigyan naman ng 15 araw ng LTFRB ang Grab para umapela sa ipinataw na multa.

Samantala, sinabi ng pamunuan ng Grab Philippines na hindi muna sila magkokomento hangga’t hindi pa natatapos ng kanilang legal team ang pag – aaral sa inilabas na kautusan ng LTFRB.

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -

SURVEY QUESTION OF THE WEEK

Kailangan bang may malawak na karanasan at mataas na pinag aralan ang mga tatakbo sa pagka Presidente at Bise Presidente? Oo o Hindi?

- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -