27.8 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Gobyerno bukas sa mga volunteer para sa federalism info drive

- Advertisement -

Umaasa ang gobyerno na dadagsa ang mga nais mag-volunteer para sa information drive ng isinisulong na pederalismo.

Ito’y matapos ihayag ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na bukas ang pamahalaan sa sinomang nagnanais tumulong sa pagpapalaganap ng kaalaman ukol sa pagbabago ng porma ng gobyerno.

Ayon kay Andanar malaking bagay kung marami ang magiging interesadong tumulong dahil mas magiging malawak ang maaabot ng kaalaman ukol sa pederalismo.

Gayunman, isasailalim muna ang mga volunteer sa training at bibigyan ng information materials hinggil sa federalismo upang matiyak na epektibo ang kampanya.

Bukod dito, isasapinal pa ng inter-agency task force ang communication campaign strategy para rito.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -