29 C
Manila
Friday, July 1, 2022

Australian prof-rallyist hinarang ng mga awtoridad sa NAIA

- Advertisement -

Hawak na ng Bureau of Immigration o BI ang naharang sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA Terminal 1 na isang Australian professor at raliyista na nagtangkang pumasok sa bansa.

Kinilala ni Immigration Spokesperson Dana Krizia Sandoval ang suspek na si Gill Hale Boehringer na galing Guangzhou, China.

Si Boehringer ay subject ng order na inisyu noong nakalipas na taon na mahigpit na pinagbabawalang pumasok sa bansa.

Ang dayuhan ayon kay Sandoval ay sumali sa rally noong November 2015 na malinaw na paglabag sa BI operations order na nagbabawal sa mga banyagang makisali sa political activities sa Pilipinas.

Maaari aniyang isama sa blacklist ang mga banyagang nakikilahok sa mga protesta para sa kaligtasan ng publiko.

Magugunitang pinade-deport na ng BI si Australian nun Sister Patricia Fox dahil sa pagsali nito sa mga political rally sa bansa.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -