General Santos: Unattended baggage sa Bulaong terminal, nagdulot nang pangamba sa publiko

0
5

General Santos City – Muling nanawagan sa publiko, lalo na sa mga biyahero, ang pamunuan ng General Santos City Public Terminal na maging responsable sa pag-iiwan ng kanilang mga bagahe at gamit, lalo na sa mga pampublikong lugar.

Ayon kay Terminal Administrator Reymond Ledesma, ito ay para maiwasan na magkaroon ng kalituhan at magdulot nang takot sa iba ang mga napabayaang gamit.
“Sa ating mga kababayan, we are asking you to please, bantayan nang maigi ang inyong mga bagahe, dahil bawal po na basta-basta na lang iniiwan ang mga ito,” ayon sa opisyal.
Batay sa ulat ng General Santos City Police Office, bandang alas-12:00 ng tanghali nitong Biyernes, April 28 nang makatanggap ng sumbong ang mga otoridad kaugnay sa umano’y kahina-hinalang bagahe, sa entrance drive way ng terminal.
Matapos ang isinagawang pagsisiyasat, nagdesisyon ang Explosive Ordnance Disposal Unit ng PNP na pasabugin ang naturang bagahe, gamit ang water disruptor at special charge.
Nililinaw din ng mga otoridad na negatibo sa bomba ang nasabing bagahe. (Fred Degala)

Leave a Reply