Saturday, May 4, 2024

General Santos: Online Businesswoman, Patay Sa Riding-In-Tandem Killers

- Advertisement -

General Santos City – May kutob na umano ang pamilya ng isang ginang na biktima nang panibagong pamamaril sa lungsod kung sino ang posibleng nasa likod ng krimen.

Ayon sa anak ng biktima, lulan ng motorsiklo ang mga suspeks na bumaril sa kanilang ina, bandang alas-6:40 nitong Lunes ng gabi, October 18.

Napag-alaman na nasa labas lang ng kanilang bahay ang biktima ng mangyari ang pamamaril.

“Meron po (suspek), pero hintayin po muna namin ang imbestigasyon ng pulis. Nago-online business po kami. May posible po (kagalit), pero ipapa-ano pa namin sa pulis,” ang bahagi ng pahayag nito sa panayam ng media.

Una nang kinilala ng kapulisan ang biktima na si Maira Barcelona, 50-anyos at residente ng Manansala Subdivision, Purok Kaunlaran, Barangay San Isidro.

Naisugod pa sa ospital ang biktima subalit binawian din ng buhay.

Nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng General Santos City Police Office sa nabanggit na insidente.

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img