Financial status ng PhilHealth masusing sisiyasatin ni Gierran

0
33

Masusing sisiyasatin ng bagong PhilHealth chief na si Dante Gierran ang financial status ng ahensya.

Ayon kay Gierran, ito’y kasunod ng mga agam-agam na hindi na makakabangon ang Philippines sa susunod na mga taon dahil sa financial status nito sa ngayon.

Dagdag pa ni Gierran, oras na magsimula siya sa pagtatrabaho, ay agad niyang aalamin kung magkano pa nga ba ang natitirang pondo ng ahensya.

Magugunitang nitong mga nakaraang pagdining ng Senado sa umano’y anomalya sa PhilHealth, sinabi ng mga opisyal nito na delikado na ang estado ng kanilang pondo sa epekto ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.