Filing ng mga substitute candidates nagtapos na

0
45

Wala nang ibibigay na palugit ang Commission on Elections (Comelec) para sa mga kandidatong nais magpapalit o substitution para sa 2019 midterm elections.

Ito’y makaraang mapaso na ala-singko ng hapon kahapon ang deadline para sa filing para sa application para sa mga substitute candidates.

Giit ni Comelec Spokesman Dir. James Jimenez, maaari lang aniyang palitan ang isang kandidato kung ito ay nasawi o di kaya’y nadiskuwalipika sa tatakbuhang posisyon.

Hindi rin aniya maaaring palitan ng isang substitute ang isang kandidatong umatras sa kaniyang kandidatura tulad ng nangyari kay dating Unang Ginang Imelda Marcos bilang gubernadora ng Ilocos Norte.