Ex-DENR sec. Jun Factoran pumanaw na

0
23

Pumanaw na si dating Department of Environment and Natural Resources (DENR) secretary at veteran lawyer na si Fulgencio “Jun” Factoran Jr. sa edad na 76.

Pinabatid ang malungkot na balita ng pagkamatay ni Factoran sa isang pahayagan na kanya ring pinagsilbihan.

Si Factoran ay nagsilbing deputy executive secretary noong administrasyon ni dating pangulong Cory Aquino mula 1986-1987, nagsilbi rin itong kalihim ng DENR mula 1987 hanggang 1992.

Sa isang pahayag, sinabi ni Maria Ressa, executive director ng Rappler, malaking kawalan si Factoran sa bansa at industriya ng journalism, maging sa pahayagan na kanyang pinagsilbihan.

Samantala, iniwan ni Factoran ang kanyang apat na anak at maybahay matapos ang pakikipaglaban nito sa matagal nang iniindang karamdaman.